Secretary Jayart Tugade ng LTO nagpakita ng pag-unawa sa Riding community at sa mga Motorista.

Matapang na humarap sa mga kontrobersyal na mga tanong si Secretary Jayart Tugade sa isang Press Conference, kasama ang mga kilalang TV stations at mga Social Media Vloggers.



Tunghayan natin ang mga paglilinaw ni Land Transportation Office Chief sa ilan sa mga concerns na kinakaharap ng kanyang Opisina.


Mag-Eexpire na ba ang iyong lisensya?
Kung ang expiration nito ay mula April 24, 2023 hanggang sa kasalukuyan,
yan ay maaari mo pa ring magamit dahil extended ang expiration nyan hanggang Oktubre 31, 2023 ito ang pansamantalang solusyon hangga't may nararanasan pang shortage sa supply ng Plastic Cards na kailangan para sa pag imprinta ng mga bagong Driver's License.

BAWAL GUMAWA NG SARILING "PLAKA"
Binigyan diin ni Secretary Jayart Tugade na Bawal po ang mag-imprinta ng Plaka. Ang plaka po ay isang protected entity ng pamahalaan, kung baga sa Pera, Bawal pekein, at may mga features na kailangan makita upang masabing authentic ito.
kaya naman , maaring managot sa batas ang mamemeke ng mga Plaka, na pilit ginagaya ang Original na iniissue lamang ng LTO.

ANO ANG DAPAT GAWIN KUNG NASIRA ANG PLAKA, NANAKAW o NAWALA?
Pumunta sa malapit na LTO, dala-dala ang Affidavit of Loss, at humingi ng Authorization Letter. Ang Authorization letter ay maari mong ipakita kung ikaw ay masita ng mga Traffic Enforcers.
Ang Authorization letter ay nagbibigay sayo ng karapatan na gumamit ng improvised plate habang ikaw ay nag hihintay sa Replacement ng iyong Plaka.
Recommendation ng LTO na ang ilagay sa Improvised plate ay ang MV File Number para sa motorsiklo, at kung sa Kotse naman, ay ang Numbers sa conduction sticker. Again, huwag piliting gayahin ang nawalang Plaka.

ANO ANG TEMPORARY PLATE?
Kung ang Nabiling sasakyan ay Hindi pa na-iissuehan ng Plaka, maaring humingi sa mga Car Dealers or Motorcyle Dealers ng tinatawag na Temporary Plate.
Ang Temporary Plate ay dapat na naglalaman ng MV File number, Region kung saan nabili ito, at ang motordealership para sa Motorsiklo, Conduction sticker naman para sa mga kotse o sasakyan.
Naintindihan ni Secretary Jayart, na maninipis ang mga binibigay, na temporary plate ng mga Dealers, kaya nga naman napipilitan magpagawa ang mga motorista ng Temporary plate na gawa sa acrylic at iba pang mga material. Kaya inaasahan na lilinawin nya ang bagay na ito sa mga susunod na anunsyo ng LTO.

Oo nga pala, in case you missed it, magiging Tatlong taon na ang bisa ng Rehistro ng mga bagong Motorsiklo. GOOD JOB Secretary Jayart Tugade !!


Tunay nga na nauunawaan ni Jayart Tugade ang mga concerns ng riding community at ng mga Motorista, kaya naman sa kanyang Panayam sa isang Vlogger na si Jonskie26Tv nangakong rerepasuhin nila muli ang mga existing na polisiya ng Land Transportation Office, upang masigurado na hindi ito ma-tetake advantage ng mga oportunista, at magiging fair ito lalo na sa mga motorista. Para sa kumpletong Video watch on Land Transportation Office's Facebook page
Click Here

Archives