Sa pagpupulong, inilahad ni PBBM ang kanyang kagustuhang magbigay ng mas maayos na paraan upang matugunan ang mga mahahalagang isyu sa aspeto ng ekonomiya, sosyal, at pangkapaligiran sa sektor ng agrikultura. Binigyang-diin din niya ang kahalagahan ng Public-Private Partnership sa pagkamit ng sustainable development at pagbabago sa sektor ng agrikultura.
Nagbigay naman ang pribadong sektor ng iba't ibang rekomendasyon upang mapabuti ang sektor ng agrikultura sa bansa. Kasama sa mga rekomendasyon ang pagpapabuti ng programa sa pautang at pagpapautang sa mga magsasaka, tamang implementasyon ng mga batas sa Agri-Agra, teknikal na pagsasanay para sa mga magsasaka, at pagkakaroon ng mas maraming post-harvest facilities sa bansa.
Post from Presidential Communication Office